Huwag malito sa teaspoons (tsp. or t) at tablespoons (Tbsp. or T). Sa lahat ng pagkakataon ng pagpapainom ng gamot sa mga bata karaniwang ginagamit ang teaspoons.
Huwag magbakasakali. Kapag inirekumenda na 2 teaspoons, pero ang iyong syringe o medicine dropper ay walang sukat para sa teaspoons, huwag manghula bagkus gumamit ng tamang kutsara na may tamang sukat sa paggamit ng syringe o dropper. Ang 1 milliliter (ml) = 1 cc at 1 teaspoon = 5 cc.
Huwag magpainom ng gamot na sobra sa rekomendadong sukat na nasa label o instruction. Kahit pa mayroong malubhang sipon, impeksyon sa tenga, o lalamunan, ang pag-inom ng sobrang gamot ay hindi nakakatulong sa paggaling ng bata.
Tawagan ang doctor ng iyong anak pag may na pansing hindi inaasahang side effects.
Kapag nagkamali ng pagpapainom ng gamot at medyo naparami isangguni ito sa doctor ng iyong anak.
Kapag ang iyong anak ay hindi nakakainom ng tamang gamot sa kadahilanang siya ay nagsusuka at nahihirapang uminom isangguni ito sa kanyang doctor. Maaaring gumamit ng ibang paraan ang doktor niya katulad ng injection, suppository, o intravenously, para magamot siya ng tama