Marami ng iba’t ibang prutas ang makikita sa mga pamilihan, karamihan sa mga ito ay mga bilog na prutas at pawang masusustansiya naman ang mga ito. Isa sa mga prutas na nagsisimula mo ng makita ay ang melon.
Gaya ng ibang mga prutas mahusay ito sa kalusugan at katawan ng tao dahil sa taglay na mga bitamina nito. Nagtataglay lang ito ng
64-calories sa isang tasa at halos wala itong fats o saturated fat kaya napakasarap at napakahusay kainin lalo na sa meryenda.
Mayaman ang melon sa vitamin C at bilang antioxidant vitamin, mahalaga
ito sa pagkakaroon ng matibay na tissues sa buong katawan lalo na kung may sakit na diabetes, dahil tumutulong ito para mabilis na mahilom
ang sugat sa balat. Nagpapatibay din ito ng buto at ngipin. Ang isang adult ay nangangailangan ng 90 mg ng vitamin C kada araw.
Ang melon ay mayroong vitamin A na importante sa pagkakaroon ng matibay at magandang balat, buto at mucous membranes. Mabuti rin ang
melon kung malabo ang iyong mga mata dahil sa mataas na lebel ng vitamin A nito. Kapag kulang ka rin sa vitamin A, hihina iyong paningin at immune system.
Bukod sa mga nasabing benepisyo, mahusay ang melon para makaiwas sa sakit sa puso dahil sa potassium na taglay nito. Ang tamang dami ng
pagkain ng melon ay makakatulong para magkaroon ng balanseng blood pressure. Kinakailangan ng 4700 mg ng potassium kada araw para mapanatili ang malusog na puso.