Kapag sobra sa tulog….

Maraming benepisyo ang pagtulog, ito ang paraan ng katawan para mag-repair ng cells para makaiwas sa anumang uri ng sakit. Ngunit, hindi alam ng marami na ang sobrang pagtulog ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto sa katawan. Ang tamang oras ng pagtulog ay depende sa isang tao, sa kanyang edad,  sa pisikal na aktibidad  at lifestyle habits.  Sa pangkaraniwan at normal na tao, ang pagtulog ng 6.5 oras ay tama lang at magdudulot ng magandang epekto sa katawan. Ngunit kung sobra-sobra na ang pagtulog magdudulot na itong sumusunod na sakit:

Sakit ng ulo – Sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pananakit ng ulo ay bunsod ng neurotransmitters sa utak na siyang naaapektuhan kapag sobra sa tulog ang isang tao.

Diabetes – Ang taong palaging natutulog ng siyam na oras ay may malaking tsansa na magkaroon ng diabetes kumpara sa mga taong tama lang ang dami ng oras ng pagtulog.

Obesity – Sa pag-aaral ng Slate G and colleagues, ang madalas na pagtulog sa araw ay posibleng magdulot ng pagka-obese. Kung sasabayan pa ito ng kakaunting physical activity at pagkain ng mga unhealthy foods ay 21% na magiging obese.

Nakakamatay – Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na ang mga taong mahilig matulog ng mahigit siyam na oras ay maaga rin namamatay o namamatay sa kanilang murang edad.

Show comments