Kilalanin ang 12 Sun Signs (6)

Sagittarius:

Hindi siya basta-basta naaapektuhan ng mga problema at kabiguan. Mabilis siyang makaba­ngon mula sa kabiguan. Katwiran niya: Paano ako makakabawi kung mananatili ako sa pagkakadapa? Mapagbigay at mahilig magkawanggawa. Malakas ang sense of humor pero prangka. Minsan ay pinagkakalooban ng malakas na kutob o ESP. Lagi siyang nakangiti kaya madaling magkaroon ng kaibigan. Hindi siya homebody dahil mas nag-e-enjoy siya sa pasyalan kaysa tumigil sa bahay.

Laging happy ang kanyang married life. Ang Sagittarian wife ay hindi pakialamera sa affair ng kanyang asawa. Siya ay clever, calm and considerate.  Mas mainam na pakasalan ng Sagittarian ang kapwa Sagittarian, Gemini, Aries, Libra, Aquarius o Leo.

Lucky days ay Miyerkules, Huwebes, Biyernes, at Linggo. Sa Lunes nangyayari ang mga problema. Nagiging magastos kung Martes. Kung Sabado ay nagiging mabagal ang progress ng trabaho. Lucky number ay 6, 3, 5, 8. Iwasan ang 2, 7, 9. Lucky color ay white, cream, green, orange, light blue, emerald green. Iwasan ang red at black.

Show comments