^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(45)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 “GIYAAAHH!” malakas na sigaw ni Simon habang pabunggo sa katawan ng kalabaw.

Ang ordinaryong mabagal na hayop-pansaka ay mabilis na nakailag.

Iba ang nabunggo ng ulo ni Simon—ang walang kakibu-kibong puno ng niyog o coconut tree.

  Tulog si Simon, patihayang natumba.

Dinaluhan agad ng nanay at ng kapatid. “Naku naman, Simon,  ano na ba ang nangyayari sa iyo? Daig mo pa ang nabaliw!”

Tinapunan ni Miranda ng sulyap ang mister, umasim ang mukha. “Nabaliw na nga ho siguro.”

Nasaktan ang damdamin ng mag-ina. Sana daw ay hindi na lang nagkomento si Miranda.

 “Mag-uumaga na ho, kailangan ko na  talagang umalis, Inay, Myrna,” mahinahong sabi ni Miranda. Dala na niya ang balutan.

 “Hindi mo na ba talaga bibigyan ng tsansa ang pagsasama ninyo ni Simon?” maluha-luhang tanong ng biyenang babae.

 Umiling si Miranda. “Tinangka ho niya akong patayin. Hindi ko po malilimutan ‘yon.”

“Malulungkot nang husto ang anak ko. Mahal na mahal ka niya, Miranda.”

 Parang walang narinig si Miranda, nagpatuloy na sa paglayo.

  Hindi napigil ni Myrna ang bunganga. “Just like that, ha, Ate Miranda? Para kang mag-iiwan lang ng tuta?”

 Tinaliman ito ng tingin ni Miranda. “Wala ka pa kasing alam sa tunay na buhay, Myrna! Hahangal-hangal ka pa!”

 Nangalmot ang dalagita, nagurlisan ng  kuko ang bisig ni Miranda.

Maldita rin ang smuggling queen. Itinulak ang hipag. Bumagsak itong nabulislisan ng palda, nakita ang lumang underwear.

 Pati nanay ni Simon ay napikon pero nakasakay na ng bus si Miranda.

 Hustong natatauhan si Simon, si Miranda ay malayo na. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ATE MIRANDA

BUMAGSAK

DAIG

DALA

DINALUHAN

MIRANDA

MYRNA

SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with