43. TAKIP-KUHOL - Panlunas sa malimit na pagdumi, pag-iiti o pagkukurso. Hugasan nang malinis at ilagay sa kumukulong tubig. Gamiting inumin ng maysakit ang tubig na pinagpakuluan. Ito’y tinatawag na ngalang binabanggit sapagka’t ang hugis nito ay tulad sa takip ng kuhol.
44. TALAMPUNAY - Ang tuyong dahon at bulaklak nito ay ginagawang sigarilyo at mabuti sa sinusumpong ng hika. Ang sariwang dahon na dinikdik ay mabuti sa namamaga. Ang pinakuluang dahon na isinama sa langis ay nakakaalis sa sakit ng tainga. Ang sobrang pagamit ay nakakalason.
45. TSAANG GUBAT - Ang pinaglagaan nito ay mabuti para sa nagtatae, sa ubo, at sa sipilis.
46. TUBA - Panlunas sa namamagang kamay, daliri, paa, o alinmang bahagi ng katawan dahil sa pagkabali ng buto o pagkapilay. Hugasan nang malinis ang murang dahon nito, basain ang malinis na langis, painitan sa apoy, at kapag lanta na ay itapal o ibalot sa namamagang bahagi.
47. YERBA BUENA - Ang dinikdik na dahon nito ay mabuti sa mga kagat ng insekto. Ang pinaglagaan ng tuyong halaman ay mabuti sa tiyan. Ang langis na galing sa dahon nito ay nakakapagpalasa ng pagkain.