Masamang Epekto ng Toilet

Kung ang toilet ay nasa EAST, ang magiging problema ay ang relasyon ng buong pamilya lalo na sa anak na panganay na lalaki. Upang kontrahin ang negative effect, magsabit sa loob ng toilet ng 5-rod hollow windchime.

Kung ang toilet ay nasa SOUTHEAST, pareho lang ng problema at solusyon sa EAST.

Kung ang toilet ay nasa WEST, ang magiging problema ay mga anak. Kontrahin ang negative effect sa pamamagitan ng pagpipintura ng pula sa pinto ng toilet. Mainam na gumamit ng maliwanag na bombilya. Huwag gumamit ng puting pintura or metallic color sa buong toilet.

Kung ang toilet ay nasa SOUTHWEST, magiging magulo ang pagsasama ng mag-asawa or mananatiling single ang isang naninirahan sa tahanang iyon. Panatilihing nakasara ang toilet door. Maglagay ng halaman sa loob ng toilet upang dito mapapunta ang negative energy.

Itutuloy

Show comments