‘Male sexual dysfunction’ (1)

Normal lang na magkaroon ng problema ang mga lalaki  pagdating sa sex.

Maraming couples ang naaapektuhan ng problema sa sex.

Bagama’t bihirang makaapekto sa pisikal na kalusugan ang sexual dysfunction, mabigat ito sa psychological aspect ng isang tao na maaaring ma­ging sanhi ng depression, anxiety at pagkakaroon ng pakiramdam na walang kuwenta.

Sa katunayan, ang sexual problems ay sintomas ng mas seryosong karamdaman na kailangang ikonsulta sa inyong pinagkakatiwalaang doctor.

Ang lahat naman nang problemang ito ay may solusyon.

Narito ang iba;’t ibang problema sa sex ng mga lalaki ayon sa webmd.com.

•  Erectile dysfunction: minsan ay tinatawag na impotence. Ito ay ang problema sa pagmimintina ng erection para sa sapat na sexual functioning.

Show comments