27. MALBAS - Ang tubig na pinagpakuluan ng mga dahon nito’y ginagamit sa paglalabatiba.
28. MANSANILYA - Panlunas din sa karaniwang sakit ng tiyan. Pakuluan ang mga nalinis na dahon nito at ang tubig na pinagpakuluan ay gamitin inumin ng maysakit.
29. MAYANA - Panlunas sa mga galos o bukol bunga ng mga pangkahulog o pagkarapa. Dikdikin ang mga dahon nang may kasamang kaunting asin. Putulin ang katas sa sugat o galos o kaya’y itapal ang dinikdik na dahon sa bukol.
30. NIYOG - Panlunas sa balakubak. Dikdikin ang ugat nito nang may kasamang balat ng gugo, katasin at gamiting panggugo ang katas. Ang tubig ng niyog ay gamot sa binabalisawsaw.
31. OJAS DE LANTIN - Sa katutubong wika’y nangangahulugang dahon ng lantin. Ginagamit na panlunas sa sakit ng ngipin.
32. OREGANO - Ang pinalambot na sariwang dahon ay mabuti sa nasunog, kagat ng alupihan o sakit ng ulo. Ang pinaglagaan ng dahon nito ay mabuti sa masakit ang tiyan at nakakalinis ng balat.