Pinatay ang kaklase

Panaginip: Bago ko napanaginipan ang aking ka­klase noong isang gabi, nag-suntukan kami noong umaga. Magkaribal kami sa isa naming classmate na babae. May sinabi siyang hindi maganda tungkol sa akin sa babaeng nililigawan namin. Kinompronta ko siya. Nagkainitan kami na nauwi sa suntukan. Sa panaginip binugbog ko ang aking karibal hanggang sa mapatay. ---Mr. Suave

Interpretation: Galit na galit ka pa rin sa iyong karibal bago ka  matulog. Kumbaga, nabitin ka at hindi mo masyadong nailabas ang nais mong sabihin sa kanya kaya sa panaginip mo ibinuhos nang todo ang iyong galit.

Show comments