Horoscope Base sa Time of Birth (7)

Kung ang Birth Month mo ay SEPTEMBER, OCTOBER AT NOVEMBER at ang time of birth mo ay:

3 PM to 5 PM—Ang mga taong magiging malapit sa iyo o mga taong madalas mong makakasalamuha ay matatalino at successful sa kanilang napiling propesyon. Sila ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon upang magsikap na mabuti.

5 PM to 7 PM—Maghihirap sa panahon ng kabataan pero ipagpatuloy lang ang pagsisikap dahil malaki ang pag-asang umasenso ang buhay pagtanda niya.

7 PM to 9 PM—Kung determinado at ambisyoso, aasenso ang buhay dahil sa kanyang propesyon kaya sikaping makatapos ng pag-aaral.

9 PM to 11 PM—Magiging komportable ang buhay at magiging maamo sa kanila ang magandang kapalaran lalo na sa mga babae.

Kung ang Birth Month mo ay DECEMBER, JANUARY, FEBRUARY at ang time of birth mo ay:

11 PM to 1 AM—Karamihan ay biniyayaan sila ng magandang boses kaya mahilig kumanta. Isa pang hilig nila ay magpa-party o umatend ng party. May maunlad at mahabang buhay. Mas mainam na magbigay ng tulong sa mga charitable institution pagsapit ng middle age (45 to 65) upang mas umunlad ang buhay habang nagkakaedad.

1 AM to 3 AM—Mararanasan ang paghihirap sa buhay sa middle age. Gumawa ng kabutihan sa kapwa o tumulong sa mga charitable institutions upang ang masamang kapalaran ay hindi magkatotoo.

3 AM to 5 AM—Magiging maganda at maunlad ang buhay kahit sa pagtanda kung ang pamilya ay may dati nang negosyo. Tatanda ka na kasama ang taong inibig mo nang buong puso. Itutuloy

Show comments