Herbal Medicine (3)

11. DUHAT - Panlunas sa malimit na pagdumi, pag-iiti o pagkukurso. Ilagay ang nalinis na balat ng puno ng duhat sa tubig at pakuluan. Inumin habang mainit-init ang pinakuluang-tubig. Ang mga bunga at dahon ng duhat ay mabuti sa sakit na diabetes, ang sakit na taglay ng sobrang asukal sa katawan ng tao. Ang nilagang buto ng duhat ay mahusay na panglanggas sa mga maantak na sugat. Mabuti sa mga sakit sa buto (arthritis), sa sakit sa pantog sa labis na taas sa lagkit na dugo o alta presyon, ang mga balat (bark) ng puno ng duhat.

12. GUMAMELA - Panlunas sa pigsa. Dikdikin ang buko ng bulaklak nito na may kaunting asin at ihilot o itapal sa namamagang pigsa. Mainam ding gugo ang katas ng dahon nito.

13. GUYABANO - Ang hilaw na guyabano ay mabuti sa nag-iiti.

14. KALABASA - Ang balat ng kalabasa pagkatapos na ibilad sa araw ay maaaring pakuluan at siyang gamitin panghugas sa mata ng may sakit. Ang kalabasa na dilaw ay mabuting pagkain at nakatutulong sa kalusugan ng mga mata. Ang buto ng kalabasa ay nagagamit na panghugas sa mga sugat. Ang kalabasa ay mabuti ring gamot sa sakit ng polyo. Mabuti rin sa mga bagong panganak ang gamiting panghugas ang pinakuluang ugat ng kalabasa. Nalilinis nito ang dugong maaaring pagmulan ng mga pamamaga o impeksyon.

15. KALACHUCHI - Ang nilagang dahon ay ginagawang parang tsaa ay gamot sa hika. Ang pinipit na dahon ay mabuting itapal sa namamaga. Mabuting ilaga para igamot sa sakit ng ngipin, at singaw sa loob ng bibig. Gawing pangmumog.  Ang dagta ng Kalachuchi ay gamot din sa sakit na kanser.

16. KAMANTIGUE - Panlunas sa namamagang mga daliri, lalung-lalo na sa hinlalaki. Dikdikin ang dahon nito nang may kasamang kaunting asin, balutin sa kapirasong malinis na damit, at dahang-dahang ihilot habang kinakatas sa namamagang daliri.

17. KASOY - Ang pinaglagaan ng balat nito ay mabuti sa diyabetes, nag-iiti, o sakit ng ngipin.

18. KATAKA-TAKA - Panlunas sa pamamaga ng pisngi bunga ng sumasakit na ngipin. Dikdikin ang mga dahon nito at kapag inaakalang may katas nang mapipiga ay balutin sa kapirasong damit na malinis at habang marahang kinakatas ay banayad na ihilot sa namamagang pisngi.

19. KATANDA - Ang katas ng dahon nito ay mabisa sa buni, eksema, at kagat ng insekto. Ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak nito ay mabuting pampaalis ng plema.

20. KUGON - Ang ugat ng kugon ay ginagamit na pampaligo para sa mga taong may sakit na rayuma. Mabuti rin itong ilaga para inumin ng mga may sakit na diabetes. Sinasariwa nito ang kalamnan ng ating katawan. Mabuti rin itong gamot sa nahihirapang umihi, nagbabalisawsaw, sakit sa bato o maruming


 

Show comments