Kung ang Birth Month mo ay June, July, August at ang time of birth mo ay:
11 PM to 1AM—Hindi maghihirap dahil laging may sapat na ikabubuhay. Makakamit ang magandang kapalaran pagsapit ng edad na late 40s pataas. Magiging masaya ang pagtanda dahil hindi ka pababayaan ng iyong pamilya.
1 AM to 3 AM—Masuwerte sa pagkita ng pera. May maganda rin suwerte sa pagnenegosyo. Habang tumatanda ay lalong gumaganda ang suwerte. Iyon ay kung inayos niya ang kanyang buhay noong bata pa.
3 AM to 5 AM—Mabilis mong makakamit ang anumang gustuhin sa buhay. Ang mga lalaki ay habulin ng mga babae kaya magkakaroon ng maraming asawa.
5 AM to 7 AM—Magiging super mayaman. Kung sa kabila ng pagiging mayaman ay magiging mapagkumbaba, malaki ang tsansa na humaba ang buhay at magkaroon ng mabubuting anak at apo na ipagmamalaki mo.
7 AM to 9 AM—Kahit pa anong sipag sa trabaho, nasa kapalaran niya na hindi ito napapansin ng kanyang mga superior. Pagsapit ng middle age, 45 to 65, tatamarin na siyang magtrabaho dahil ganoon lagi ang nangyayari, hindi kailanman binigyang halaga ang naiambag niya sa kompanyang pinaglingkuran. (Itutuloy)