Anong Klase Kang Magulang?Last Part
Number 7 parent (16, 25)
Pakiramdam ng number 7 parent ay nakaka-stress ang pagiging magulang. Tahimik lang kasi siya kaya nakakagulo ng kanyang isipan ang ingay ng mga bata. Mas nakakasundo niya ang mga anak kapag malalaki na. Mga anak na may birth date na 7, 2, 6 ang kasundo nila at madalas nagiging paborito pero nahihirapan siyang mag-adjust sa mga anak na 8 at 9.
Number 8 Parent (Birth date 8, 17, 26)
“Cold and distant in nature” ang number 8 parent. Kabaliktaran ng number 6 parent na sobrang magmahal ng anak. Hindi siya malapit sa kanyang mga anak. Magkaganoon pa man ay malapit ang loob niya sa anak na may birthdate na 8, 3 at 6. Hindi niya gaanong nakakasundo ang anak na may birth date na 4, 5, at 1.
Number 9 Parent (Birth date 9, 18, 27)
“Palaban at matapang” ang number 9 parent. Kaya naiinis siya kapag hindi marunong lumaban ang kanyang anak sa mga nang-aapi sa kanila. Magkasundo sila ng ugali ng anak na 9, 3 at 1 dahil mga “palaban” din kagaya niya. Huwag piliting maging palaban ang anak na 2 at 7 lalo na kung ito ay lalaki. Hayaan silang mag-grow ayon sa likas nilang positibong karakter. Hindi sila tau-tauhan na puwedeng imolde base sa iyong pananaw at kagustuhan.
- Latest