Eye lubrication – Kapag ang pasyente ay hindi makakurap ng maayos maaaring ang mata ay ma-exposed at ang luha ay mag-evaporate. Maaaring magkapinsala o maimpeksiyon sa mata. Ang doctor ay nagrereseta ng ng artipisyal na luha sa pamamagitan ng eye drops at ointment. Maaaring maglagay ng eye drops habang nagtatarabaho at ang ointment naman ay puwedeng gamitin bago matulog.
Sa mga pasyenteng hindi masara ang mata ng maayos ay nangangailangan ng gumamit ng surgical tape upang ito ay masara.
Karamihan sa mga pasyente ay gumagaling ng tuluyan sa loob ng siyam na buwan. Sa mga pasyente na hindi gaanong siryoso ang pinsala kinakailangan gamutan ng:
Mime therapy – ay isang klase ng physical therapy. Tinuturuan ang pasyente ng mga ehersisyo na makakapagpalakas ng kalamannan ng mukha upang magkaroon ng maayos na koordinasyon at galaw ang mukha
Plastic surgery – Ito ay makapagpapaayos ng hitsura ng mukha pero hindi nito mapapagaling ang problema sa mga nerves.
Botox – ayon sa pananaliksik ng dalubhasa ng Melbourne’s Brain Research Institute ang pasyenteng may bell’s palsy ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng pag-i-inject ng botox. Nalaman ng mga siyentipiko na may isang bahagi ng utak kasama na ang bahaging napinsala na responsable sa galaw ng mukha ay maaaring maayos ng botox na sasabayan ng ehersisyo.