Alam n’yo ba? Alam

Alam n’yo ba na mas kinakain ng mga Amerikano ang saging kaysa sa mansanas? Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mataas na porsi­yento ng potassium na nakakapagpalakas ng ugat at muscles ng tao.  Si Thomas Jefferson ang nagpakilala sa talong bilang mahusay na pagkunan ng fiber na siyang mabisang panlaban sa coronary heart disease.  Ang prutas na “pomegranate” ang ginagamit ng mga tao noong u­nang panahon para kulayan ang kanilang damit.  Ang orange naman ang kauna-unahang prutas na nakilala bilang inumin matapos na sumikat ang “Sunkist”. Ang “artichokes” naman ang kilalang gulay na kinakain ng mga sinaunang tao dahil sa mataas na taglay nitong magnesium na nakakapagpatibay ng buto.

 

Show comments