^

Para Malibang

Ma-pride ang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Gusto ko humingi ng opinyon sa problema ko sa aking nobya. Naki­pag-break siya sa akin ng tubusin ko ang si­nanla niyang engagement ring namin. Nang umuwi ako mula sa abroad at dumalaw sa kanila, hindi sinasad­yang nahulog sa paanan ko ang papel de ahensiya. Kinuha ko ito ng palihim at tinubos ng hindi sinasabi sa kanya. Pagkatapos ay saka ko siya kinausap para mu­ling ibigay and singsing. Marahil dahil sa pagkapahiya ay tinalikuran niya ako at ‘yun ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa akin. Para sa akin napakahalaga ng singsing na ‘yun na inipon ko mula sa aking sahod para maibigay sa kanya, bilang simbolo ng aking tapat na pagmamahal at ta­gapag-alala sa nalalapit naming pagpapakasal. Handa naman akong tumulong kung gipit siya sa pinansiyal para hindi na lang isanla ang singsing. Pinilit kong ayusin ang tungkol dito at humingi ng dispensa para kalimutan na lang namin ang lahat. Pero nagmatigas siya. Masakit ang pangyayaring ito. Sa tingin po ba ninyo dapat ko pa siyang amuin? - Kokoy

Dear Kokoy,

Nauunawaan ko ang iyong pagpapahalaga sa singsing. Pero labis siyang napahiya sa mga nangyari at dinamdam ang lihim na pagtubos mo sa singsin. Mas nakabuti siguro kung binigyan mo pa siya ng pagkakataon na maipagtapat ang tungkol sa pagsasanla niya sa singsing, bilang respeto sa marahil ay personal niyang financial difficulties. Gayunman, tinangka mo na kamo na maayos ang gusot na ito sa pagitan ninyo pero walang nangyari. Pinaka mabuti ay bigyan mo siya ng puwang na makapag-isip. Dahil kung talagang mahal ka niya, makikita niya ang magandang layunin mo sa iyong nagawa, ‘yun ay upang mapasaya siya. Pero kung hindi mo na mababago ang kanyang pasya, wala kang magagawa. Marahil ay hindi talaga siya ang nakatakda para magpahalaga sa tapat mong pag-ibig.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

DAHIL

DEAR KOKOY

DEAR VANEZZA

GAYUNMAN

HANDA

KINUHA

MARAHIL

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with