Noong nakaraang linggo ay nabasa natin sa mga pahayagan at napanood sa mga telebisyon ang pagkakasangkot ni Atty. Gigi Reyes sa PEDAF o pork barrel scandal at siya ngayon ay nakaditene sa Taguig. Sa kagustuhan makaiwas sa pagkakabilanggo, ang kanyang mga abogado ay nagsumite ng kanyang medical record upang sa gayon siya ay ma-hospital arrest at isa na rito ay ang pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy. Ano nga ba itong bell’s palsy? Gaano kadelikado ang bell’s palsy para sa kalusugan upang gawing dahilan ito ng mga abogado ni Atty. Gigi Reyes para siya ay ma-hospital arrest na lamang? Naririto ang ilang mga impormasyon ukol sa bell’s palsy. Ang Bell’s Palsy ay pagkaparalisa o matinding panghihina ng nerve na komokontrol sa kalamamnan ng mukha katulad ng facial at seventh cranial nerve. ITUTULOY)