Alam n’yo ba na hindi kumakain ng damo ang mga Dinosaurs? Ang rabbit o kuneho ay 16 na beses natutulog sa isang araw. Ang isang karaniwang elepante ay kumakain ng damo ng higit sa kalahating tonelada sa isang araw. Ang pating ay nakakalangoy sa bilis na 70 km. kada oras habang ang tao ay nakakatakbo lang ng 35km kada oras.
Maaari mong utusan paakyatin ang isang baka ngunit hindi ito kailanman mapapababa sa hagdan. Ang isang pangkaraniwang baka ay nakakapagbigay ng 200,000 baso ng gatas sa buong buhay nito. Kayang mabuhay ng isang daga na walang tubig kumpara sa isang camel. Ang sea horse ang pinakamabagal na lumangoy sa lahat ng uri ng isda. Lumalangoy lang ito ng 0.016km kada oras.