Dear Vanezza,
Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Anjie. Isa po akong estudyante na nagkaroon ng maraming relasyon noon pero lahat po ay hindi tumatagal. Katunayan po ay tatlong buwan ang pinakamatagal na relasyong napasukan ko. Iba’t iba po ang mga dahilan. Sa ngayon po ang karelasyon ko ay kapwa ko babae. Guwapo siya kung naging lalaki. Sobrang attracted ako sa kanya. Mahal po namin ang isa’t isa. Alam ko pong mali ang relasyon namin at hindi panghabambuhay. Pangarap ko rin pong magkaroon ng sariling pamilya. Ano po ang gagawin ko?
Dear Anjie,
Kung alam mong mali, dapat mo na itong putulin. Katulad din ng man to man relationship, hindi maaaring magkaroon ng biological children ang taong pareho ang kasarian. Marahil sa ngayon ay happy kayo pareho sa piling ng bawat isa. Pero paano kung dumating ang araw na umibig ka sa isang lalaki? Paano kung maisipan mo one day na magkaroon ng sariling anak na magmumula sa iyong sinapupunan. Sa pagdedesisyon sa buhay, hindi lang dapat yung ngayon ang iniisip kundi ang kinabukasan.
Sumasaiyo,
Vanezza