Ang oras ng paglipat ay dapat itaon sa sunrise.
Unang ipasok ang mga santo at altar na pagpapatungan ng mga religious items. Ayusin ang altar. Manalangin at magpasalamat sa lahat ng biyayang nakamtan.
Buksan ang mga bintana, pintuan, lahat ng ilaw.
Hayaang nakabukas ang gripo sa loob ng 3 minutes.
Ipasok ang lahat ng gamit.
Magpakulo ng tubig at magtimpla ng inumin.
Magpatugtog ng radio o buksan ang TV para makalikha ng positive energy.
Magluto at magsalo-salo.
Pagsikapang lahat ng iyong pamilya ay dito matutulog sa unang gabi. Nasabi ko ito dahil nabanggit mong hindi muna kayo titira sa bagong bahay.
Maghalo ng bigas at asin. Isaboy ito sa mga sulok ng bahay para malinis ito spiritually. After 24 hours, walisin ang rice-salt mixture. Ibaon sa lupa.