Nililigawan ng amo

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Neri, 23. Isa po akong kasambahay pero hindi po ako mukhang katulong dahil mas maganda pa ako sa amo ko. Ngayon po ay nililigawan ako ng anak ng amo ko. Mabait siya at malambing. May nararamdaman din akong love sa kanya pero hindi ko pa siya sinasagot. Natatakot kasi ako baka tumutol ang kanyang mga magulang. Ano po ang gagawin ko?

Dear Neri,

May kasabihan na pagdating sa pag-ibig, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay. Pero tama ka. Kung tututol ang mga magulang ng manliligaw mo, wala kang magagawa. Maliban na lang kung handa kang panindigan ng manliligaw mo. Pero ang tanong, nakakasiguro ka bang mahal ka talaga ng anak ng amo mo? Baka kasi dahil sa ganda mo, gusto ka lang niyang maisahan. Marami nang kaso ang mga kasambahay na tulad mo na pumatol sa kanilang amo at ang dulot ay kasawian. Kaya mag-ingat ka at huwag padala sa bugso ng damdamin.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments