^

Para Malibang

Mukhang pera ang gf?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako’y 67 anyos na at isang biyudo. May 10 taon nang namayapa ang misis ko. May junk shop ako. Dahil sa negosyong ito nakabili ako ng mga bahay, mga lupain at aria-arian. Napagtapos ko ang mga anak ko sa kanilang pag-aaral at ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay. May gf ako ngayon, 22 anyos lang siya. Isang taon na kami. Alam ko mahal niya ako kaya naman ibinibigay ko ang mga layaw niya. Mahirap lang sila at kaligayahan kong tulungan ang pamilya ng babaeng mahal ko. Gusto ko siyang pakasalan pero tutol ang mga anak ko. Sobra-sobra na raw ang pabor na ibinigay ko sa kanya at sa pamilya niya. Iniisip ko rin na baka pera ko lang ang hangad niya.  - Totoy

Dear Totoy,

Kung mahal mo ang babae, hindi mo pagdududahan ang motibo niya sa’yo. Tutol man ang iyong mga anak, ikaw ang makikisama at hindi sila. Pero hanggat may pag-aalinlangan ka sa tunay na damdamin ng gf mo sa’yo at hinihinalang pera mo lang ang gusto niya, huwag kang magpakasal. Pero kung naniniwala kang siya’y tapat at mapagkakatiwalaan, ituloy mo ang iyong plano. Be happy for the remainder of your life. Nasa iyo pa rin ang pasya.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM

DAHIL

DEAR TOTOY

DEAR VANEZZA

INIISIP

ISANG

MAHIRAP

NAPAGTAPOS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with