^

Para Malibang

May babae ba si mister?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Sumulat ako dahil hindi maalis-alis sa aking isipan ang problema ko sa aking mister. Naghihinala po kasi akong may babae ang aking asawa. Inaatake po ako ng selos lalo at hindi dumadaan sa harapan namin ang ipinapasada niyang jeep. Madalas ko tuloy siyang bungangaan. Minsan kasi ay hindi siya nag-intrega ng kanyang kita sa akin kaya pinaghihinalaan kong may iba siyang babae. Tama ba ako? - Emma

Dear Emma,

Minsan ka na bang “kinaliwa” ng mister mo at ganun na lamang ang iyong pagseselos? Kung wala naman batayan ang iyong mga pagdududa, mabu­ting itigil mo na ang kakaisip ng kung anu-ano dahil baka magkasakit ka pa. Sa halip na bungangaan, pakinggan mo muna ang kanyang paliwanag bakit hindi siya nakapag-intrega. Batid natin ang hirap ng pamamasada andyan pa ang mahal na krudo at trapik na nagpapabawas sa kita ng driver. Mabuti rin kung mag-iisip ka ng maliit na negosyo na pwede sa bahay. Makakatulong ka na sa iyong mister, maiibsan pa ang iyong pagseselos dahil magiging busy ka na. Banggitin mo rin sa iyong mister ang duda mo sa kanya at tignan mo kung ano ang kanyang isasagot. Saka mo pa lang masasabi kung may babae siya o wala.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

BANGGITIN

BATID

DEAR EMMA

DEAR VANEZZA

INAATAKE

MADALAS

MAKAKATULONG

MINSAN

NAGHIHINALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with