Dapat malaman tungkol sa masturbation (Last part)

3. Walang normal na bilang ng masturbation. Maraming lalaki ang nag-iisip na baka nasosobrahan na sila sa pagma-masturbate. Ngunit hindi sa kung ilang beses ka nagma-masturbate sa isang araw o sa isang linggo. Ito ay sa kung ano ang nababagay sa iyong buhay, ayon kay Logan Levkoff, PhD na isang sexologist at sex educator. Kung nagma-masturbate ng ilang beses sa isang araw at may healthy at satisfying life, good for you. Pero kung maraming beses kang nagma-marturbate sa isang araw at naaapektuhan na ang trabaho o wala nang interes sa tunay na pakikipag-sex, may problema ka. Gayunpaman, wala talagang batayan kung ilang beses dapat mag-masturbate sa isang araw o isang linggo.

4. Hindi nagre-reflect ang masturbation sa iyong relasyon.  Kapag nagma-masturbate raw ang isang lalaki, ibig sabihin, may problema ito sa kanyang relationship. Pero kahit anumang klaseng relasyon mayroon ang mga lalaki ay nagma-masturbate pa rin sila. Mapa-single, mapa-may asawa, Nasa masayang relasyon o nasa tagilid na relasyon, nagma-masturbate pa rin ‘yan. Ayon sa ilang eksperto, ang pagma-masturbate ay isang paraan para ma-relieve ang stress, pampa-relax ng utak, sa iba ay pampagana ng utak at sa iba ay pampatulog.

Show comments