May mga taong nagtatanong sa kanilang sarili bakit patuloy ang kanilang pagtaba sa kabila ng kanilang pagda-diet. Minsan kasi, hindi mo na makuha pang mag-ehersisyo para mapadali ang pagbaba ng iyong timbang. Pero, alam n’yo ba na maging masipag ka lang sa mga gawing bahay ay papayat ka na? Oo, ang iba kasi sa atin, pagkagising ay kakain na lang, maliligo at saka aalis ng bahay. Hindi nila alam na ang ganitong uri ng routine sa araw-araw ay nakakapagpataba. Narito ang ilang gawaing bahay na tutulong sa’yo para ikaw ay pumayat:
Maglinis ng banyo - Sa paglilinis ng c.r. ay maaari ka ng magsunog ng 200 calories. Dahil sa pagkukuskos mo ng tiles nito, toilet bowl at bath tub, tiyak na babaha ang pawis mo sa iyong katawan ng hindi mo napapansin. Isipin mo na lang kung araw-araw kang maglilinis ng banyo at 200 calories ang nasusunog ng gawaing ito, malamang na sa loob ng isang buwan ay payat ka na.
Pamamalantsa – Sa iyong pamamalantsa ng damit ay maaaring masunog ang 70 calories sa iyong katawan. Kaya kung gusto mong magbawas ng timbang at makatipid, huwag ng umupa ng plantsadora at ipang-shopping mo na lang ang matitipid mo dito.
Pagliligpit ng kama – Ang simpleng pagtutupi ng iyong kumot at pag-aayos ng unan at kobre-kama ay malaki na ang maitutulong sa iyong pagbabawas ng timbang dahil nasusunog ng gawaing ito ang 130 calories sa iyong katawan. Ang gawaing ito ay katumbas ng 15-minutong pag-eehersisyo ng treadmill. (www.tipsnikatoto.info)