Regalo para kay ‘Daddy’ (2)

Si Daddy ba ay nananakit ang dibdib? Senyales ito na si Daddy ay may problema sa puso. Maaaring maramdaman ang pananakit ng dibdib sa iba’t ibang kadahilanan katulad ng mga hindi gaanong malubhang sakit (heartburn at indigestion), ang malalang  problema naman ay katulad ng heart attacks. Kapag ang pananakit ng dibdib ay naramdaman pagkatapos  mapagod at emotional stress, ito ay maaaring angina, na sintomas ng heart disease. Maaaring bigyan si Daddy ng gamot upang makatulong sa pananakit ng kanyang dibdib. Kapag ang pananakit ay malubha, na may pangangapos ng paghinga, pagsusuka at pagkahilo, humingi agad ng tulong at itakbo sa pinakamalapit na ospital dahil maaaring ito ay sintomas na ng heart attack.

Si Daddy ba ay palaging nauuhaw?  Kapag la­ging nauuhaw kesa sa normal na pagkauhaw ito ay isa sa senyales ng type 2 diabetes. Iba pang senyales katulad ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, sugat at pasa na matagal gumaling, madalas na impeksyon at pamamanhid ng mga kamay at paa.

Si Daddy   ba ay may problema sa pagtulog? Ang problema sa pagtulog katulad ng pagbaba ng oras sa pagtulog at kapag nagising ay hirap makabalik sa pagtulog, maaaring ito ay sanhi ng depresyon. Mga iba pang senyales ng depresyon katulad ng hirap sa konsintrasyon, iretable at laging mainit ang ulo, kawalan ng motibasyon sa buhay at balisa. Ang mga sintomas ng depresyon ay karaniwang hindi madaling madetermina agad. Kapag si Daddy ay dumaranas ng kaganitong karamdamam nangangailangan siya ng madikal na atensyon at higit sa lahat ay suporta galing sa mga mahal niya sa buhay.

Si Daddy ba ay mayroong kakaibang nunal at pekas? Kapag si Daddy ay isang  Pakeha na fair complexion ng balat, siya ay may mataas na tsansang magkaroon ng skin cancer – Ang  sakit na ito ay masmalaki ang tsansang magkaroon kapag madalas magbilad sa arawan mula pa noong bata pa siya. Dapat na pagtuunan ng pansin kapag ang mga nunal o pekas ay nagbago ng hugis at sukat. Tingnan mabuti ang mga lugar sa kanyang katawan na hindi niya nakikita na maaaring pagsimulan ng skin cancer katulad ng likod at mga hita. Kapag mayroon siya ng ganitong nunal, dapat na magpasuri agad sa doctor na katulad ng dermatology o kaya magpakonsulta sa mole-mapping clinic.

Nananakit ba ang kasukasuan ni Daddy? Ang pananakit ng kasukasuan ay dulot ng iba’t ibang kadahilanan pero ang pinaka karaniwan dito ay ang osteoarthritis. Ito ay resulta ng mahabang panahon na pagkapuwersa ng mga kasukasuan sa balakang at tuhod. Masmataas na maranasan ni Daddy ito kapag siya ay nakaranas ng pinsala katulad ng torn cartilage.

7 Bagay na maaring mapabuti ng kayang kalusugan.Kumain ng masusustansyang pagkain.

Mag-ehersisyo ng 30 minuto araw-araw.

Tumigil sa paninigarilyo.

Pag-aralang ang tamang pamahalaan sa stress.

Ugaliing magpasuri kung may problema sa presyon ng dugo, mataas ang cholesterol at sakit sa prostate at skin cancer.

Panatilihin ang normal na timbang ng katawan.

Enjoy life! Did you know? According to British research, 10% of men avoid going to the doctor about health issues because they are scared they might end up in hospital, while another 10% are too embarrassed to discuss their particular problems with their GP.

Show comments