Gumawa ng sariling ‘Lucky Charm’
Magical Ribbon
1. Bumili ng 3 pirasong pulang tali na may habang 1.8 meters. Pagsamahin ang 3 tali sa pamamagitan ng pagbuhol sa dulo nito. Itirintas ang 3 tali.
2. Ibuhol ang isa pang dulo matapos magtirintas.
3. Sa pagitan ng dalawang buhol, gumawa ng lima pang buhol na may equal distance. Magkakaroon ngayon ng 7 buhol ang taling itirintas ninyo.
4. Sinisimbolo ng 7 buhol ang key of luck. MagiÂging magical ribbon na ito.
5. Isuot lagi ang magical ribbon bilang necklace, belt, headband, pangtali sa buhok, bracelet o kahit sa paanong paraan. Ang mahalaga ay nakadikit ito sa katawan mo.
Magic Bracelet
1. Gumawa ng bracelet mula sa leather. Sulatan o dikitan ng inyong lucky number (base sa Western astrology or Chinese astrology o mismong birth date).
2. Ang leather ay naglalabas ng “positive, beneficial waves†na pinagmumulan ng good luck.
Magic Necklace
1. Perlas ang gagamitin sa magic necklace. Kung malaking butil ang gagamitin, dapat ang bilang ng perlas ay base sa inyong lucky number.
2. Kung maliit na butil, pitong piraso lang ang gagamitin.
- Latest