^

Para Malibang

Mister nami-miss ang ex-gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mahal ko po ang aking asawa at mga anak. Kaya lang bago sila dumating sa buhay ko ay may minahal ako ng lubos at tapat. Nangako kami na mamahalin ang isa’t isa habambuhay. At sakaling hindi maging kami ay hahanapin ko siya kahit sa pagtanda namin. Pero natakot ako na hindi ko maibigay sa kanya ang maginhawang buhay kaya pinakawalan ko siya. Nagmahal ako ng iba at may minahal din siyang iba. Pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Balita ko ay may sarili na rin siyang pamilya. Sobra ko siyang nami-miss at umaasang muli kaming magkikita. Baka hindi ko mapigil ang aking sarili at mayakap ko siya. - Egay

Dear Egay,

May pamilya ka na at ganoon din siya kaya masakit man ay dapat na kayong maglimutan. Kung sobra mo siyang mahal, hindi mo sana siya pinakawalan at ngayo’y hahabol ka kung kailan pareho na kayong may pananagutan. Hindi lang naman kasi sa materyal na bagay liligaya ang mag-asawa. Higit pa rito ang pagmamahalan ng tapat at pangakong sa hirap at ginhawa ay magsasama. Kaya sa halip na pangarapin mong makitang muli ang iyong ex, mabuting pagtuunan mo na mabigyan ng magandang future ang iyong asawa’t mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

DEAR EGAY

DEAR VANEZZA

EGAY

HIGIT

KAYA

NAGMAHAL

NANGAKO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with