^

Para Malibang

Autism (2)

BODY PAX - Pang-masa

Ano ang mga sintomas?

Ang mga batang may autism ay maaaring normal tingnan at kumilos sa unang ilang buwan ng kanilang buhay. Sa katagalan, ang ating anak ay maaaring maging hindi masyadong makasagot sa atin. Napakaraming sintomas, ngunit hindi lahat ng batang autistic ay magkakaroon ng lahat ng sintomas na ito. Maaaring magkaroon sila ng mga sintomas na wala sa listahang ito.

Mga abilidad na Makisalamuha

Kahit na sa unang ilang buwan ng pamumuhay, maaaring ayaw na kinakandong ang iyong anak at maaaring sumigaw para maibaba kapag nakakarga. Maaari siyang lumayo sa iyo, iwasan ang pagtatama ng mata, at mas gugustuhing maglaro nang mag-isa. Maaaring ayaw niyang pinapansin o walang kibong tatanggapin ang mga yakap at pagkandong. Maaaring iwasan ng iyong anak ang pagkaway, mag-make face, o paglalaro ng pat-a-cake. Maaa­ring hindi siya tumingin o ngumiti bilang tugon sa ngiti ng iba. Maaaring hindi niya pansinin ang iba na nababalisa o nasasaktan.

Maaaring hindi sumagot ang iyong anak kapag tinawag mo ang pangalan niya, ngunit agad na umaaksyon sa binubuksang telebisyon. Maaaring pagdudahan mo na walang pandinig ang iyong anak. Maaaring mabagal ang iyong anak na matutunang ipaliwanag kung ano ang iniisip at nararamdaman ng iba. Mahirap sa kanya na makita ang mga bagay mula sa pananaw ng isang tao.

ANAK

ANO

KAHIT

MAAA

MAAARI

MAAARING

MAHIRAP

MAKISALAMUHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with