Pirma na may ‘Bad Energy’

Binibilugan ang First Letter ng Pangalan: Ang taong may ganitong pirma ay very defensive sa kanyang sarili kapag nakakatanggap ng pamumuna. Super sensitive sila sa mga kritisismo. Ang resulta ay umiiwas silang makipagkaibigan. Natatakot silang magkamali at pagkatapos ay pintasan ng mga kakilala. Pinipili nilang mapag-isa na lang. Ang paglalagay nila ng bilog sa first letter ng pangalan ay simbolo ng protective helmet upang umiwas sa  emosyunal na sakit. Kung may ganito kang istilo ng pirma, mainam na tanggalin mo ang bilog. Masisiyahan ka at masosorpresa sa resulta.

 

Show comments