Kung ikaw ay may GERD

Isa sa pinakamahirap at nakakairitang pakiramdam ay ang pananakit o mahapding tiyan. Malaking bahagi ng pagkasumpong ng  gastroesophageal reflux disease (GERD) ay ang mga pagkaing iyong kinakain at minsan pa nga ay kinakailangan na alisin o bawasan ang iyong late-night snacks o pagkain kahit katatapos lang kumain ng full meals. Para maiwasan ang pagsumpong ng sakit na ito ay dapat na piliin rin ang pagkaing inilalaman mo sa iyong tiyan. Ayon sa National Heartburn Alliance, narito ang ilang uri ng pagkain na nakakatulong para maiwasan ang GERD:

Oatmeal – Iwasan mo muna ang pagkain ng doughnut kung ayaw mong agahan pa lang ay nagdadanas ka na ng almusal. Mas makabubuting palitan ang doughnut ng oatmeal. Ang oatmeal kasi ay low-fat at high fiber kaya nakakapagbigay ng maayos na pakiramdam sa iyong tiyan. Haluan ito ng hiniwang saging para mas maging epektibong panlaban sa acid na namumuo sa iyong tiyan.

Luya – Matandang paraan na ang pagkain ng luya o pag-inom ng inu­ming may luya. Maaaring kumunsumo ng 2-4 grams ng luya araw-araw. Kung hihigit dito ay magiging sanhi pa rin ng heartburn.

Beans – Ang mga karneng gaya ng ground beef ay mabilis na makapagpasumpong ng GERD, bagama’t mahusay itong pagkunan ng protina. Upang hindi magkulang ang iyong katawan sa protina, mabuting kumain na lang ng beans, dahil sa mayaman  din ito sa protina at fiber. Makabu­buting palaging isama sa iyong diet ang pagkain ng beans.

 

Show comments