Isang milyong pisong kilabot (1)
SUNUD-SUNOD ang malas sa kabuhayan ng mag-asawang Socrates at Paula. Lahat nilang ari-arian na naipundar ay isa-isang naibenta, pambayad sa utang.
Ang dating maalwang buhay ng mag-asawa ay nauwi sa sagad na kahirapan. Mula sa maÂlaking bahay na tinitirhan sa executive village, napatapon sina Paula at Socrates sa lugar ng mga kapuspalad.
Tangay nila sa hirap ang dalawang anak na nasa grade school; dati’y nasa pribado, ngayo’y nasa pampubliko nang paaralan.
“Namamayat na sina Dedet at Marky, Socrates. Wala na kasi tayong matitinong pagkain. Halos araw-araw, tuyo at sardinas.â€
Hindi na nakakatikim ng mga prutas ang mag-anak. Wala na ring karne at masusustansiyang seafoods.
“Hindi na sila nakakainom ng vitamins,†luhaang dugtong ni Paula, nakatingin sa dalawang anak na natutulog na.
“Ano ba ang gusto mong gawin ko, Paula, magnakaw? Wala na akong mautangan, nilayuan na ako ng mga business associates…â€
“Socrates, patay-patay na ako sa pagttitinda ng kung anu-ano. Pero kakarampot ang kita. Am’ pangit-pangit na nga ng kutis ko…â€
Napasapo sa mukha si Socrates, aburidung-aburido. “Nangako ng tulong si Pareng Gordon, malaki-laking puhunan sa negosyo…pero hanggang pangako lang…â€
Awang-awang nayakap ni Paula ang dating matagumpay na mister. “Socrates, hindi kita sinisisi. Sama tayo sa hirap at ginhawa…lilipas din ito.â€
TOK-TOK-TOK. Mga katok iyon sa barumbarong nina Socrates at Paula. Hatinggabi. Naabala ang pagtulog ng mag-asawa.
“Sino ‘yan?†tanong ni Socrates, nakahanda ang dos por dos.
“Kailangan ng boss ko sina Socrates at Paula. Ngayundin.â€
Nagkatinginan ang mag-asawa. Sinong herodes ang mangangailangan sa kanila nang ora-orada?
“Sino ang boss mo?†tanong ni Paula, hawak ang kutsilyo.
“Secret,†sagot ng nasa labas, lalake.
Nagkatinginang muli ang mag-asawa. Nagbulungan.
Biglang nilabas ang tao. Sinunggaban agad, nakatutok ang kutsilyo, nakaamba ang dos por dos.
“Teka-teka. Para sa inyo ito—singkuwenta mil!†(ITUTULOY)
- Latest