Pampalakas ng aura

Upang maging kaakit-akit at maging magaan kaagad ang kalooban sa iyo ng ibang tao, gawin mo ang mga sumusunod:

Simulan ang ritwal sa new moon. Magdrowing ka ng nunal sa gitna ng iyong dalawang eyebrow  gamit ang itim na pentel pen. Mga kasing laki ng butil ng mais ang nunal.

Gawin mo ito sa isang kuwarto na hindi ka maaabala. Humarap ka sa malaking salamin kung saan mga kalahating metro ang iyong layo. Kumuha ng silya at maupo nang nakaharap sa salamin. Titigan mo ang nunal na idinorowing. Hangga’t maaari ay huwag kukurap. Sampung minuto mong gagawin ang pagtitig sa nunal at pag-usal ng: “Mala­kas ang kapangyarihan ng aking isip. Magiging kaakit-akit ako sa mga taong aking lalapitan.” Gabi-gabi mo ito gagawin sa loob ng isang linggo.

Sa second week ay 15 minutes ang gagawing pagtitig; third week ay 20 minutes; at fourth week ay 30 minutes. Kung magagawa mo ito nang mahusay at walang patlang sa loob ng isang buwan, mapapansin mong mabilis kang makagaanan ng loob ng ibang tao.

Show comments