Kung hindi pa tapos ang ‘construction’
Kung sa Chinese ay Fengshui, sa India ay Vastu ang tawag. Halos magkapareho lang ang prinsipyo ng dalawang nabanggit tungkol sa pag-aayos ng bagay-bagay sa paligid.
Kadalasan sa mga Pinoy, nililipatan na ang bahay kahit hindi pa tapos ang construction. Minsan ay nagkukulang ang budget kaya’t napipilitan nang tirahan ang bahay kahit marami pang kulang dito. Basta’t may bubong ay pintuan, ayos na iyon sa mga Pinoy.
Sa Vastu rules, negative vibration ang dulot ng hindi tapos na bahay.
Ang pader na kulang pa sa “finishing touchesâ€, kawalan ng kisame at iba pang kakulangan ay nagdudulot ng problema sa negosyo, pakikipagÂrelasyon, kawalan ng konsentrasyon sa trabaho at kagipitan sa pera. Sa ganitong pagkakataon, ipinapayo ng Vastu experts na makitira muna sa kamag-anak o umupa ng bahay habang hinihintay na matapos ang pagpapabahay.
Inihalintulad ng Vastu expert ang sitwasyon ng pagtira sa hindi tapos na bahay sa pagkain ng half-cooked rice. Mahirap matunaw sa tiyan ang kanin na hindi masyadong naluto. Samantalang ang kanin na niluto nang maayos ay mas masarap lasahin at more nourishing sa katawan. Kagaya ng pagtira sa hindi tapos na bahay, ito ay magdudulot lamang ng kaguluhan sa iyong buhay.
- Latest