Sino ang kumuha ng tsinelas ko?

Panaginip: Tatlong beses na akong nananaginip na laging nawawala ang aking tsinelas. Sa ikatlong panaginip, pulang tsinelas ang iniwan ko sa kalsada pero pagbalik ko wala na. Pinoproblema ko ang paglalakad dahil maputik ang kalsada at ayokong marumihan ang aking paa.---XXT ‘78

Interpretation: Ang iyong panaginip ay sumisimbolo ng mga bagay na kailangan mong asikasuhin pero isinasantabi mo lang dahil ikaw ay tinatamad o hindi ka komportable na gawin ito. Hindi makausad nang maayos ang buhay mo dahil may “unresolved issues” ka pa na ayaw mong ayusin.

Show comments