May ilang mag-asawa na nababansagan na parang aso at pusa? Bakit? Dahil tila walang panahon na hindi sila nagtatalo o nagdidiskusyon sa kung anu-anong bagay, malaki man o maliit ay nagiging paksa ng kanilang pagtatalo. Marahil ito ay dahil sa kanilang magkaibang personalidad. Maaaring ang isa ay istrikto at ang isa naman ay masyadong maluwag sa lahat ng bagay. Mula sa mga maliliit na pagtatalo ay umuusbong ang inis sa bawat isa hanggang sa magkaroon na ng galit sa kanilang dibdib at ituring na kaaway ang bawat isa. Maaaring ang pakiramdam mo sa mister/ misis mo ngayon ay isang “peste†na nilikha para ikaw ay mainis. Narito ang ilang paraan kung paano pakikibagayan ang iyong “nakakainis†na partner, bago mo tuluyang maisip na makipaghiwalay sa kanya.
Matutong magpalampas – Kung palagi na lang ang kanyang pagkakamali ang iyong titingnan, mahihirapan ka talagang pakibagayan ang iyong partner. Baka naman masyado ka lang nagiging istrikto sa kanyang mga ginagawa at lahat na lang ng ito’y iyong pinapansin gaya ng pagkuha niya ng toothpaste sa toothpaste tube. Nagagalit ka kapag nakikita mong sa gitna niya pinisil ang tube sa halip na sa dulo nito. Ang mga bagay na kagaya at kasing liit nito ay hindi na dapat pang pinupuna. Isipin mo na lang na walang perpektong tao. Maaaring ito ay kinasanayan niya na kaya nahihirapan siyang baguhin. Maaari mong palampasin ang mga bagay na hindi naman nadudulot ng “damage†sa’yo at sa iyong pamilya.
Makipag-usap ng mahinahon – Kung gusto mong sitahin ang iyong partner, dapat mo itong gawin sa isang lugar na walang ibang tao kundi kayong dalawa lang. Upang kahit na ano pa ang sabihin ninyo sa isa’t isa ay walang mapapahiya. Maging partikular din kung ano ang nais mong sabihin sa kanya at hindi na dapat pang banggitin ang mga bagay na nakaraan na.