Huwag magmadaling madonselya
Hindi dapat magmadaling makatikim ng ‘luto ng diyos.’ Sabi nga eh mas masarap kung gagawin mo ito sa taong mahal mo at mahal ka.
Ngunit ang iba, hindi na nag-iisip ng ganito.
Mayroon iba na kapag nandiyan na, go na lang na go at hindi na nag-iisip.
Ngunit ayon sa source ng omgfacts.com, mas maigi ang maghintay ng tamang pagkakataon para ma di-virginize.
Base sa pag-aaral ng human sexuality ni Paige HarÂden, isang assistant professor sa Department of Psychology sa University of Texas, ang mga taong hindi nagmadaÂling makikipag-sex sa unang pagkakataon ay may mas malaki ang tsansang maging masaya at magkaroon ng magandang relasyon sa monogamous partner.
Sinubaybayan ang 1,659 magkapatid mula edad 16 hanggang sa kanilang young adulthood at sila ay sinurbey sa edad 29-gulang. Base rito, ang mga taong nakipag-sex sa unang pagkakataon sa edad 19 pataas ay nagsabing mas masaya sila sa kanilang relasyon at mayroon silang mas magandang communication skills.
Ang teyorya sa likod nito ay ang mga taong hindi nagmadaling ma-divirginize ay mas mapili kaysa sa mga maagang nadonselya.
Mas naghahanap ang mga naghintay ng tamang pagkakataon na makakuha ng kanilang karelasyon base sa kanilang ideal partner.
- Latest