NIYAKAP ni Dindi ang ama. “Ang importante ho ay buhay pa kayo, Itay. Nangyari na rin ho kay Kuya Vincent ang paghabol ng ghost train. Hindi rin ho namatay si Kuya Vincent, Itay!â€
Napaiyak na rin ang amang security guard. “Pero bakit kailangang manakot ng ghost train? Paano kung nabagok sa semento ang ulo ko?â€
“Matagal na ho naming itinatanong ‘yan ni Dindi, tatang,†mahinahong sabi ni Vincent. “Para nga hong baliw ang nagmumultong tren. Hindi malaman kung instrumento ng demonyo o kapanalig ng Diyos.â€
“Ang hula namin ni Kuya Vincent, representative ni Kamatayan ang ghost train, Itay. Napakabait din ho.â€
Napakunot-noo ang ama ni Dindi. “NapakaÂbait ba ‘ka mo…? Paanong naging napakabait ng kasangga ni Kamatayan? Dindi…?â€
Palihim na kinalabit ni Vincent ang dalagita. “Kuwan ho, Itay…si Kuya Vincent na ang magpapaliwanag.â€
Half-truth lang ang sinabi ni Vincent, takot na baka matuksong idaldal ng ama ni Dindi ang tungkol sa kalahating milyon kapag ito’y nalasing.
“Nang sagasaan ako ng ghost train sa harap ng katedral, tiyempong nakita ko ang balutan ng pera—may laman hong s-sandaang libo.â€
Napatanga ang tatay ni Dindi. Namangha sa pera.
“At dahil walang pagkakakilanlan kung sino ang may-ari, iniuwi ko ho. Gagamitin ko sa mga wishes ni Dindi, tatang.â€
“T-talaga, Vincent? Ganyan ka kabait…?â€
“Oho. Bibigyan ko pa nga kayo ng konting balato—heto ho, beinte mil, para hindi na kayo masyadong mamrublema sa gamot ni Dindi.â€
Napapantastikuhan sa binata ang tatang. “Baka wala nang malabi sa iyo, Vincent. Okay lang?â€
Tumango si Vincent. “Ito ho ang misyon ko, bago ako nakapulot ng malaking pera—ang mapaligaya ang aking best friend, tatang.â€
Yumakap sa binata si Dindi. “Am’ bait-bait mo talaga sa’kin, Kuya Vincent. Ayaw mo akong mamatay na malungkot.â€
Napaluha naman ang tatay ni Dindi. “Maibibigay mo sa anak ko ang hindi ko maibigay, Vincent. Salamat.†(ITUTULOY)