^

Para Malibang

Hirap patawarin ang nambabaeng mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ten years na kaming nagsasamang mag-asawa. Pero sa kabila ng mga sakripisyo ko at paghihirap para sa kanila, nagawa pa rin niyang mambabae. Hiniwalayan niya ang kanyang kerida at hindi na sila nagkita kailanman. Pinagsisihan niya ang kanyang ginawa at pilit na binubo ang pamilya namin. Buong akala ko ay napatawad ko na siya. Pero sa tuwing nag-aaway kami pinapamukha ko sa kanya ang kanyang mga ginawa. Hindi ko pa rin matanggap na ginawa niya sa akin ang ganung bagay dahil naging sobrang faithful ako sa kanya. Hindi ko malimutan ang sakit at pagod ng isipan na idinulot sa akin ng ginawa niya. Nawawalan na ako ng gana sa pagsasama namin ngayon. Mahal ko siya pero parang hindi na worth na mahalin siya. Ano ang gagawin ko? Paano ako magmo-move on? - Lynet

Dear Lynet,

Kung magpatawad ang Diyos ay ganap. Sabi sa Bible: “God doesn’t keep a record of wrong”. Hindi na inaalala pa ang nakaraan. Ibig ng Diyos na ganyan din tayo kung magpatawad. Kung manalangin tayo, sinasabi nating “Forgive our sins as we forgive those who sinned against us.” Kung nais ninyong mag-asawa na maging maayos ang inyong pagsasama alang-alang sa inyong mga anak, magkasundo kayo. Huwag na niyang uulitin pa ang dating pagkakamali at huwag mo nang uungkatin pa ang madilim na nakaraan na iyong pinatawad na. Kung hindi, walang mabuting kahihinatnan ang inyong relasyon. Kasunod ng pagpapatawad ang paglimot sa nakaraan. Kapag nagpatawad ka, dapat mo ng kalimutan ang kanyang nagawang kasalanan.

 

ANO

BUONG

DEAR LYNET

DEAR VANEZZA

DIYOS

HINIWALAYAN

HUWAG

IBIG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with