ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang nanay na giraffe ay nakatayo pa rin kahit siya ay nanganganak?  Kaya naman paglabas ng anak nito ay anim na talampakan agad ang kanyang kahuhulugan. Ang mga pusa naman ay walang paningin at pandinig sa oras na sila ay ipanganak. Tanging vibration lamang mula sa inahing pusa ang ginagamit na pakiramdam ng mga kuting para malaman na nariyan ang kanilang ina. Ang babaeng talaba naman ay nakakapanganak ng 100 milyong talaba.

Show comments