Alam n’yo ba na ang pinakasikat na inumin noong unang panahon ay tea o tsaa? PumapaÂngalawa dito ang beer, ngunit sa mga bansang England at Ireland, numero unong inumin ang beer. Noong 1935 ang Kueger Brewing ang kauna-unahang kompanya na nagtinda ng beer na nakalagay sa lata. Ang latang ito ay gawa sa bakal kaya naman lata pa lang ay 4 ounce na ang bigat. Ang mga Babylonians noong 4000 B.C. ay gumagawa ng dose-dosenang beer na gawa mula sa grains at honey. Ayon sa census ng Amerika, noong 2004, nakaubos ng ang mga Amerikano ng 21.6 galon ng beer.