Mga Pamahiin sa Japan

Nakakasawa nang pag-usapan ang pamihiin dito sa Pilipinas kaya ang pag-usapan natin ay pamahiin sa Japan. Mapaniwalain din sila sa pamahiin kagaya ng mga Pinoy.

Kailangang magtapon ng asin sa entrance ng kanyang bahay bago pumasok kapag nanggaling siya sa funeral para sa purification ng kanyang aura.

Nakakaikli ng buhay ang pag-ulo sa northern direction kapag natutulog.

Malas gumamit ng red ink sa pagsulat ng pangalan.

Nagdadala ng suwerte sa negosyo ang pusang kumakaway o Maneki Neko. Makikita sa mga tindahan at restaurant sa Japan ang pusang kumakaway sa entrance ng establishment.

Suwerte ang dala ng spider kung makikita ito sa umaga. Kaya ang payo ng mga Japanese, huwag kang papatay ng spider sa umaga. Malas kung gabi mo sila makikita.

Kung nagkataong may libing na nakasabay habang nagbibiyahe, itago mo ang iyong hinlalaki (kamay)  sa ilalim ng apat na daliri. Naniniwala ang mga Japanese na ang pagsabay ng libing habang nagbibiyahe ay pangitain na malapit nang mamatay ang iyong magulang. Ang hinlalaki ang itinuturing na parent ng mga daliri. Ang pagtatago ng hinlalaki ay simbolo na kinokontra mo na magkatotoo ang pamahiin.

Malas ang number 4 dahil ang “four” sa Japanese ay binibigkas ng “shi” na ang ibig sabihin din ay “death”.

Number 9 ang isa pang malas na numero sa kanila. Ito ay binibigkas na “ku” na katunog ng “kutsuu” na ibig sabihin ay masakit.

Iniiwasan ang room na may number 43 sa ospital. Ang 43 sa Japanese ay katumbas ng salitang “still birth” o patay ang sanggol nang ipanganak.

Malas itusok ang chopstick sa kanin. Itinutusok lang nila ang chopstick sa pagkain na nasa altar kapag may nakaburol na kamag-anak. (Itutuloy)

 

 

 

 

Show comments