Ilan dapat ang isdang ilalaman sa aquarium?

Narito ang angkop na bilang ng isda na dapat alagaan depende sa element na nakapaloob sa inyong birthday base sa Chinese astrology.

1 or 6 na isda—kung kabilang ka sa water element

2 or 7 na isda—kung kabilang ka sa fire element

3 or 8 na isda—kung kabilang ka sa wood element.

4 or 9 na isda—kung kabilang ka sa metal element

5 or 10 na isda—kung kabilang ka sa earth element

At siyempre, idepende mo rin ang bilang ng isda sa size ng iyong aquarium.

Anong klaseng isda ang dapat na alagaan?

Ang mga isdang nang-aakit ng kayamanan ay arowana, flower horn or Luo Han at gold fish.

Mga karagdagang tip tungkol sa aquarium:

--Masuwerte rin ilagay sa southeast (wealth area) ang aquarium.

--Maglagay ng 9 coins sa aquarium bilang wealth enhancer.

--Dapat ay may small pump para mag-produce ng bubbles na nag-a-activate ng good energy.

--Sa restaurant, magandang ilagay ang aquarium sa north para makahatak ng maraming kostumer.

Show comments