NATIGILAN si Vincent sa deklarasyon ni Nenita. Sila raw ay parehong tinutukso ng demonyo; na pinagkalooban sila ng 500 thousand each ng ghost train para magbilang ng pera sa makasalanang motel.
Inamin pa ni Nenita na siya ay muntik na ring maghubad, para samahan sa paliligo si Vincent. Patunay daw iyon na sila’y tinutukso ng demonyo.
Napalunok ang binata.â€Ibig mo bang sabihin, Nenita, ang ghost train ay kasangkapan ng demonyo?â€
“Sakto, Vincent! U-umalis na tayo rito. H-huwag tayong patukso. Pook ng tukso ang lugar na ‘to!†Nagyayaya na si Nenita, kapit ang handbag na puno ng kanilang pera.
“A-ang totoo’y nais kitang… hagkan, Nenita. N-natutukso ako…tayo lang dalawa…â€
“Putang ama, Vincent! Kalabanin mo ang tukso! We are both decent people!†Itinulak ni Nenita ang binata. Tagg.
Bumagsak sa kama si Vincent, nahubad ang taping tuwalya.
“Eeeek!†Nakita ni Nenita ang di-dapat makita sa binata. Nagtakip agad siya ng mga mata. “Ano ‘ka ba, Vincent?â€
“Jeez, Nenita, itinulak mo ako kaya ako napaÂtihaya! Hindi ko kusang tinanggal ang tuwalya!â€
Galit na bumangon agad si Vincent, tinakpan ang kahubaran. “Tatlong beses mo na akong nakitaan. Damn!â€
“I never enjoyed it, Vincent, maniwala ka! Nahahalayan ako! Napakahinhin kong dalaga! Hindi ako nagwawala!â€
Para namang natauhan si Vincent, nagbihis na sa loob ng banyo. Nang lumabas ay nagyaya na ring umalis doon. “Tara! Bago na naman ako matukso! Matindi nga ang kamandag ng devil sa lugar na ‘to, Nenita!â€
SA SIMBAHAN sila nagtuloy, bukas pa ang adoration chapel doon.
Taimtim silang nagdasal na sana’y tulungan sila ng Diyos sa tamang gawin sa malaking pera.
Nadama naman nila ang patnubay ng Langit.
Maingat na binuksan nila ang handbag, naroon pa rin ang napakalaking pera na katumbas ng isang milyon. (ITUTULOY)