Sinisigawan ng ibang tao

Panaginip: Tatlong beses na akong nanana­ginip na lagi akong pinagagalitan o sinisigawan ng ibang tao pero hindi ko maisip kung ano ang ginawa kong pagkakamali sa kanila. Natatapos ang panaginip na lagi akong naaawa sa aking sarili at naghihimagsik ang aking kalooban kung bakit pinababayaan kong sigawan ako ng ibang tao. In real life, kakahiwalay ko lang sa aking asawa last year.---Can’t Get Over You

Interpretation: Traumatic talaga ang pakikipag­hiwalay sa asawa. Isama pa rito ang pakikisawsaw ng ibang tao sa away na lalong nagpapahapdi ng sugat sa damdamin. Paulit-ulit ang iyong panaginip dahil hindi ka pa nakakarekober sa nangyari sa iyo. Hihinto lang ang panaginip kapag “magaling” ka na at naka-move forward na ang iyong buhay.

 

Show comments