Kung kaya ng inyong budget, bumili ng bagong bed at mattress. May naiwang negative energy ang namatay sa ginamit na higaan kaya itapon na ito. Kung wala talagang magagawa dahil walang perang pambili ng bagong higaan, budburan ang bed at mattress ng asin. Hayaan ang asin ng 24 hours para mahigop nito ang negative energy. Pagkatapos ay ipagpag at itapon ang asin. Paarawan ang bed at mattress.
Linisin ang buong kuwarto: Buksan ang mga bintana para maarawan. Punasan ang kuwarto ng tubig na may asin. Pinturahan ng panibago. Alisin ang lahat ng kanyang mga naiwang damit—ipamigay o ibenta. Ngunit kung ayaw mong gawin ito, itago na lang ang mga gamit niya sa ibang lugar ngunit huwag sa kuwartong ginamit niya lalo na kung may nakatakdang gagamit dito na ibang tao.
Budburan ng asin ang apat na sulok ng kuwarto. After 24 hours, walisin ang asin. Walisin ang kuwarto hindi lang para alisin ang alikabok kundi para alisin ang negative eÂnergy na naiwan ng namatay. Pausukan ng insenso.