Mga Paniwala Tungkol Sa Numero

Mas masuwerteng sa isang bulsa lang maglagay ng pera.

-Good luck kung ikikiskis mo ang iyong kamay sa dalawang kabayo makikita.

-Good luck kapag nakakita ng dalawang puting kabayo.

-Susuwertehin ang dalawang tao na nagkasabay humatsing.

-Bad luck kung nakabasag ng tatlong itlog nang sabay-sabay.

-Ang ikatlong attempt sa isang bagay ay sinasabing masuwerte. Ang aking kaibigan ay laging bumabagsak sa board exam pero pumasa rin sa wakas sa ikatlong pagkuha ng board exam.

-Ang pusang may tatlong kulay ay nagpoprotekta sa iyong bahay laban sa sunog.

-Lucky ang four leaf clover.

-Lucky ang five pointed star or pentagram.

-Malas magsugal tuwing Biyernes bago sumapit ang ika-6 ng gabi.

-Sa ancient Greeks, ang 6 ay talisman laban sa bagyo.

-Kung ang petsa ng iyong birthday ay divisible by seven, susuwertehin ka habang buhay.

-Kung ang isang babae ay desperado nang makatagpo ng mapapa­ngasawa, magtusok siya ng pitong aspile sa kandilang may sindi. Magdasal kay Virgin Mary na bigyan siya ng mabuting mapapangasawa. Hayaang maubos ang kandila.

-Kamatayan ang resulta kung magkakasakit sa ika-8 araw ng New Moon.

-Sa Scotland, malas ang card na nine of diamonds.

 

Show comments