Dear Vanezza,
Tungkol po ito sa amin ng nobyo ko. Long distance po ang aming relationship. Umuuwi siya once a year. Two years na kami at okay naman ang communication namin kung minsan nga ay sumusobra na yata. Wala rin kaming problema, wala akong nababalitaan na meron siyang ibang babae. Mabait siya at loyal. Nagtataka lang ako sa sarili ko dahil nitong mga nakaraang araw ay parang tinatabangan ako sa kanya. Parang nabo-bored ako. Parang may hinahanap ako na spark sa relasyon namin. Kasi paulit-ulit na lang ang nangyayari sa amin. Mahal ko siya at ayoko sana na dumating ang isang araw na tuluyan akong tabangan sa kanya. Ano kayang magandang sabihin sa kanya? - Leyla
Dear Leyla,
Madalas ang long distance love affair ay hindi nagwo-work lalo na’t inabot ng pagkainip ang isa. Pero kung tunay at tapat ang pag-iibigan ninyo at ang layunin n’ya sa pagtatrabaho sa malayo ay para magkaroon ng magandang future, magiging handa ka sa pagtitiis. Pag-aralan mo pa ang iyong damdamin baka naman nagiging mapaghanap ka lang lalo na at hindi mo siya nakakapiling sa mga espesyal na okasyon. Kung magkagayon, kausapin mo siya at maging tapat sa iyong nararamdaman. Malay mo, maisip niya na bumalik na ng Pinas for good at kasunod nuon ay ang inyong pagpapakasal.
Sumasaiyo,
Vanezza