^

Para Malibang

Ghost train (11)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HABANG nag-uusap sina Vincent at Nenita tungkol sa ghost train, ang  nagmumultong tren ay dumalaw bigla sa matabang babaing buong takaw na kumakain. Nayanig sa takot ang babae, nabuluan ng pansit.

Namutla ito, hindi makahinga. Hawak ang leeg. “Gaa-ak…ulk…”

Alam ng matakaw na babae ang ibig sabihin ng ghost train; kung bakit nakarating iyon sa loob ng dining room. Sa mismong harap niya.

 â€œK-katapusan ko na n-ngayon…s-sa pansit pala ako…matitigok…”

Blagg. Bumagsak sa baldosang floor ang matakaw. Nakabara sa lalamunan niya ang pansit miki. Hindi na niya makakain pa ang mga nasa pinggan niya—litsong baboy, java rice, lumpiang makaw, giniling.

“Eeee! Si Mam Bonitaaa!” Napasukan ito ng maid.

Pero naglaho na ang ghost train; hindi nagpakita sa sinumang kasambahay ni Mam Bonita. “Patay na si Mam Bonita! Nabulunan ng pansit!” natatarantang sabi ng maid sa iba pang kasambahay. Ang ghost train ay naglagos sa malaking bahay, dala na ang kaluluwa ng babaing namatay sa takaw.

Tuuut. Tuuut. Nagtuloy ang ghost train sa malawak na hardin, nagpakita sa hardinero at sa houseboy na naglilinis ng swimming pool.

“Aaaahh! Eyaaahh” sigaw ng hardinero at ng boy, sabay na napatalon sa swimming pool.

Splasshh. Swaasshh.

Hindi lamang sa tren sila kinilabutan. “Piryong, n-nakita mo rin ba? Kumaway pa sa atin…”

“Oo, David, walang dudang si Mam Bonita ang sakay ng tren.  Paanong napunta doon e nasa loob siya at lumalamon na naman --” Napatigil sa sasabihin si Piryong, kinabahan.

“B-Baka may nangyari k-kay Mam?”

Saka lang nalaman nina David at Piryong ang nangyari sa amo.

“Nabulunan ng pansit, kaya namatay…?”

“Oo nga, Piryong…ngayun-ngayon lang,” sabi ng maid.

“Nakita namin ni David ang kaluluwa ni Mam Bonita, sakay ng ghost train!”  (ITUTULOY)

 

 

AAAAHH

ALAM

BRVBAR

MAM BONITA

NABULUNAN

OO

PIRYONG

SI MAM BONITAAA

TUUUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with